Marami sa mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ang umaasa sa kalinga at pagmamalasakit ng mga kapwa-OFW.  Pero paano nga ba kapag nalaman mo na ang kababayang pinagkatiwalaan mo ay may lihim palang pagnanasa sa iyo?

Sa episode na ito ng "Tadhana," nadiskubre ng Pinay hotel receptionist sa Dubai na si Arianne ang ginagawang pamboboso sa kaniya ng kapwa-Pinoy na si Gino.

Dapat ba niyang isuplong si Gino, o dapat na lang niyang patawarin?  Panoorin.

Alang-alang sa kaligtasan ng mga babaeng kasama ni Arianne, hindi na siya nagdalawang-isip na ipakulong si Gino.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News