Kabilang ang limang Filipino sa 39 na crew member  na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang Chinese fishing boat sa Indian Ocean.

Iniutos ni Chinese President Xi Jinping na magsagawa ng search and rescue mission para mahanap ang mga sakay ng nasabing barko.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing bukod sa mga Pinoy, hinahanap pa ang 17 Chinese national, at 17 Indonesian.

Sakay sila ng fishing vessel na "Lupeng Yuanyu 028," na pag-aari ng Penglai Jinglu Fishery Co Ltd na nakabase sa Shandong, China,

Ayon sa ulat, masusing sinusubaybayan ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon kaugnay sa paghahanap sa mga sakay ng nasabing barkong pangisda.—FRJ, GMA Integrated News