Inihayag ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes na isa pa sa apat na nawawalang Pinoy sa Myanmar ang kumpirmadong nasawi sa magnitude-7.7 na lindol na tumama sa Myanmar noong March 28."The Department of Foreign Affairs is informed by the Philippine Embassy in Yangon of the positive identification of the remains of a second confirmed Filipino victim of the powerful 7.7 earthquake which hit Myanmar last March 28," saad sa inilabas na pahayag ng DFA.Ayon sa DFA, naipaalam na sa pamilya ng nasawing OFW ang malungkot na balita."Out of respect for the wishes of the family, the Department is unable to provide any further details," dagdag ng kagawaran.Nitong Miyerkules, ipinaalam ng DFA na nakita na ang bangkay ng unang Pilipino na naitalang nasawi sa lindol na si Francis Aragon, 38-anyos.Apat na Pilipino ang iniulat na nawawala sa Myanmar nang gumuho ang condominium building na kanilang tinitirhan sa Mandalay.Si Aragon ay isang physical education teacher sa Myanmar.Hindi pa rin naman nawawalan ng pag-asa ang DFA para sa dalawa pang Pinoy na nawawala. —FRJ, GMA Integrated News