Isang patay na lalaking green sea turtle ang nakitang palutang-lutang sa karagatan ng bayan ng Alabel sa lalawaigan Sarangani noong nakaraang linggo.
Natagpuan ng mga residente ng Baragangay Ladol ang pawikan dakong alas-4 ng hapon noong Miyerkoles.
Sa pagsusuri ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Alabel, kasama ang Environmental Conservation and Protection Center (ECPC), pinaniniwalaang "choking" (bara sa lalamunan) ang sanhi kung bakit namatay sa pagkagutom ang pawikan.
Photo courtesy by Environmental Conservation and Protection CenterNakabara sa lalamunan nito ang 150 centimeters na nylon rope, dahilan upang hindi na makaabot sa bituka ang kinakain ng pawikan na may habang 92 cm.
Nylon rope ingestion -ECPC
Nakita rin sa pagsusuri na payat na payat na ang pawikan at may disfigurement sa kanang likurang palikpik nito, masmaliit ito at may mga marka ng lubid.
Natuklasan din na maaaring ilang araw nang hindi nakakain ang hayop. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News


