Karumal-dumal ang sinapit ng tatlong taong gulang na batang babae sa Kidapawan City. Bukod sa ginahasa, pinatay pa sa sakal ang biktima.
Suspek sa krimen ang kaniyang sariling pinsan na si Rene Bueno.
Kuwento ng nakatatandang kapatid ng biktima na si Grecel, may kasiyahan sa kanilang barangay kaya hindi nila napansin na nawawala na pala ang bata.
Huli raw nila itong nakitang kalong-kalong ng suspek.
Nang kanilang hanapin, nakita nila ang batang wala nang buhay sampung metro lang ang layo mula sa kanilang bahay. Wala rin itong pang-ibabang suot.
Sa kanila ring bahay nakatira ang suspek pero hindi na ito umuwi.
Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek. —JST, GMA News
