Patay sa mga pulis ang dalawang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo sa Cabuyao City, Laguna nitong Linggo ng madaling araw.
Sa ulat ng Cabuyao City Police Station, napaslang ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang engkuwentro sa Snake Road, Barangay San Isidro bandang 4:20 ng madaling araw.
Nagpakalat ng mga tauhan and Cabuyao City Police matapos magsumbong ang isang lalaki na nanakaw ang kanyang bagong biling motorsiklo na isang Yamaha Mio Sporty,.
Nang mamataan ng mga pulis, agad nilang nilapitan ang dalawang suspek na sakay ng nakaw na motorsiklo sa Snake Road.
Binaril umano ng dalawang suspek ang mga papalapit na pulis na nauwi sa isang engkuwentro.
Nakuha sa dalawang napaslang na suspek ang nakaw na motor at dalwaang .38 revolver.
Positibo umanong kinilala ng biktima ang dalawang suspek. —ALG, GMA News
