Natagpuang patay sa pananaga ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa bayan ng Salug sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Huwebes, kinilala ang mga biktma na ang mag-asawang sina Paquito at Nora Derama at ang 8-anyos nilang anak.
Ayon sa mga awtoridad, mga taga sa katawan ang ikinamatay ng tatlong biktima.
Pahayag ng ina ni Nora, nagtaka umano siya kung bakit nakasara ang mga bintana sa bahay ng kaniyang anak kaya pinuntahan niya ito.
Doon na umano tumambad sa kaniya ang mga nakahandusay na mga katawan ng mga biktima, ayon sa ulat.
Iniimbestigahan na ng mga pulis kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen. —LBG, GMA News
