Nauwi sa pananaga ang payabangan ng dalawang nag-iinumang lalaki tungkol sa kanilang mga naging karelasyon sa Batac City, Ilocos Norte, ayon sa ulat ni Unang Balita nitong Biyernes

Kapwa napikon umano ang magkaibigang sina Jerry Espiritu at Jonnel dela Cruz kaya nauwi sa away ang dapat sana'y masaya nilang inuman.

Binato raw ni Espiritu ng itak si Dela Cruz na tinamaan sa paa.

Kinuha naman ni Dela Cruz ang itak at tinaga sa ulo si Espiritu.

Dinala si Espiritu sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling, samantalang sumuko naman si Dela Cruz sa pulis. —Jamil Santos/KBK, GMA News