Kritikal ang kalagayan ng limang taong gulang na bata matapos mahagip ng motorsiklo sa Dumagute City, ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Balitanghali nitong Linggo.

Makikita sa kuha ng CCTV ang tatlo na tumatawid sa isang national highway sa Barangay Banilad habang walang nagdaraang sasakyan.

Mapapansin din na walang pedestrian lane sa lugar.

Tumigil sa gitna ng kalsada ang dalawa sa kanila dahil sa paparating na motorsiklo ngunit humiwalay at tumakbo ang kasama nilang limang taong gulang na bata.

Nahagip siya ng humaharurot na motor.

Hindi huminto ang magkaangkas sa motorsiko at patuloy na nagmaneho papalayo.

Ipinanawagan ng pamilya ng bata sa kung sino man ang mga nakakakilala sa magkaangkas na ipagbigay-alam agad ito sa mga pulis. —Joviland Rita/LBG, GMA News