Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Calauan, Laguna.
Ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles, may tama ng bala sa ulo and babae at balot ang kaniyang mukha ng masking tape.
Nakagapos rin ng kable ang babae na nasa 35-anyos, ayon sa mga awtoridad.
Nakasuot siya ng T-shirt na may disenyong floral at pantalon na kulay gray. May tattoo rin siya sa kaniyang kaliwang hita.
Nananawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung mayroong impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng biktima. —Anna Felicia Bajo/KG, GMA News
