Kasalukuyang nasusunog ang malaking bahagi ng Mount Masalukot na sakop ng bayan ng Dolores sa Quezon province.
Napansin umano nitong umaga ng Linggo ng mga kawani ng pamahalaang lokal ng Candelaria na nagsasagawa ng survey sa bundok ang sunog.
Kasalukuyang nasusunog ang isang bahagi ng Mt. Masalukot na sakop ng bayan ng Dolores, Quezon. (????LGU Candelaria) @gmanews @gmanewsbreaking @dzbb pic.twitter.com/ycuzdX1xul
— peewee bacuño (@hero_peewee) March 31, 2019
Ipinagbigay-alam na ito sa Bureau of Fire Protection ng Dolores, subalit hindi umano kayang abutin ang lugar ng mga bumbero.
Nasa paanan ng pamosong Mount Banahaw ang Masalukot, na noong nakaraang taon ay nasunog din.
Inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog.
Nananawagan ang pamahalaang lokal ng Dolores at Candelaria, Quezon na doblehin sana ang pag-iingat ng mga tao malapit sa lugar. Huwag raw sanang hayaan na kumalat pa ang grass fire. —LBG, GMA News
