Arestado ang isang ginang sa Iligan City na nagbebenta umano ng malalaswang larawan ng kanyang mga anak at pamangkin, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes.

Kinukunan daw ng suspek ng malalaswang video at larawan ang kanyang tatlong anak at isang pamangkin gamit ang kanyang smartphone at pagkatapos ay ibinibenta ito sa mga contact niyang foreigners.

Nakuha mula sa suspek, na hindi nagbigay ng pahayag, ang kanyang smartphone at mga resibo ng remittance mula sa mga dayuhan niyang customer.

Ayon sa mga tauhan ng International Justice Mission, matagal nang gawain ito ng suspek.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima. Isa sa kanila ay napag-alaman 11 buwan gulang pa lamang.  —KBK, GMA News