Inaresto ng mga awtoridad ang isang Amerikano na umano’y tulak ng ilegal na droga sa Negros Oriental, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes.

Hinuli ang suspek na kinilalang si James Thomas Hobert na nakuhaan ng ilang pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng tinutuluyang hotel sa Dumaguete City.

May street value na mahigit P50,000 ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu.

Dati na raw naaresto si Hobert dahil din sa umano'y pagbebenta ng droga, pero nakapagpiyansa.

Tumangging magbigay ng pahayag si Hobert. —Joviland Rita/KG, GMA News