Pinagbabaril ang isang ginang na maghahatid ng anak sa eskwelahan  sa Sta. Rosa, Laguna nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ni Mark Makalalad sa Dobol B sa News TV.

 

 

Kinilala ang 34-anyos na ginang na si Mary Jane Bautista Aquino ng Barangay Tagapo.

Ayon sa hepe ng Sta. Rosa Police na si Lieutenant Colonel Eugene Orate, sakay ng pulang sasakyan si Bautista nang tabihan siya ng naka-motorsiklong suspek sa Barangay Balibago nitong alas siyete ng umaga.

Pinagbabaril ng suspek si Bautista na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ang biktima sa Sta. Rosa Hospital and Medical Center.

Tatlong suspek ang tinitignan na nasa likod ng pamamaril base sa testimonya ng mga saksi, ayon kay Orate.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —Joviland Rita/KG, GMA News