Isang dating aktres ang timbog sa buy-bust operation na isinagawa sa isang exclusive subdivision sa Cavite, ayon sa ulat ni Mao dela Cruz sa Dobol B sa News TV nitong Lunes.

Umabot sa 31 umano'y drug personalities ang naaresto sa "simultaneous anti-criminality law enforcement operation" na isinagawa ng Bacoor City Police nitong Linggo.

Kabilang sa mga naaresto ang dalawang "high value targets," ayon sa ulat.

Kinilala ni Bacoor City Police chief Colonel Vicente Cabatingan ang naarestong dating artista na si Angela Bobis Zamora. Naaresto siya kasama ang kanyang live-in partner. —KBK, GMA News