Hinahangaan ngayon online ang isang gurong hanep sa pag-kanta sa bayan nang Villareal, Samar.
Sa ulat ng Unang Balita, kinilala ang teacher na si Sir. Nefael Quintas ng Igot National High School.
Ayon sa nag-upload ng video mahilig daw talagang kumanta si Teacher Nefael at sa kaniyang video na kinuha matapos ang kaniyang klase, todo bigay sa pagbirit ang guro. —LBG, GMA News
