Isa ang patay sa sunog na sumira sa apat na bahay sa Barangay Mambaling sa Cebu City, kung saan apat na pamilya rin ang apektado.
Ayon sa mga fire marshal, nitong Miyerkules ng umaga na lamang nakita ang bangkay ng nasawi sa sunog, na sumiklab sa Sitio Abbya sa pagsisimula mismo ng araw ng Pasko. Tatlo sa mga bahay ay natupok at ang isa ay partially damaged.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na bahay ni alyas "Inday" at ang apoy umano ay nagsimula sa first floor. Bago ang insidente, pasado alas 10 ng gabi ay nagkaroon ng brown out sa lugar at nang bumalik ang supply ng kuryente, mayamaya pa, ay nag-spark na umano ang wire ng kuryente sa nasabing bahay.
Aabot umano sa P30,000 ang danyos ng sunog.
Isaktong alas-12 ng hatinggabi nang matanggap umano ng BFP angsunog na itinaas agad sa third alarm akong 12:18 a.m.
Ayon kay Jennifer Wenceslao, 40-anyos at isa sa mga nasunogan, natutulog na siya nang sumiklab ang apoy. Mabuti umano at ginising siya ng kanyang anak na kagagaling lamang umano sa Christmas Party.
“Wala talaga akong nadala dahil ang lapit lang ng sunog sa amin, ang unang nasunog na bahay tapos sa amin na. Christmas sana pero ito ang ibinigay ng Panginoon sa atin wala tayong magagawa mangyayari ang mangyayari talaga tanggapin nalang,“ ayon sa kanya.
Patuloy na iniimbestigasyon ng insidente. —LBG, GMA News
