Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa may tubuhan sa Kabankalan City sa Negros Occidental.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Melba Paglumotan, 60-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinakpan pa ng dahon at lupa ang katawan ng biktima, at ito ay nasa "advanced state of decomposition" na.

Natuklasan ding may mga saksak ang katawan ng biktima, at nabali ang leeg nito.

Napag-alamang halos tatlong araw nang nawawala si Paglumotan bago natagpuan ang kanyang katawan.

Batay sa ilang impormasyon, bago umano mawala si Paglumotan, pupuntahan sana ito sa kaniyang mister para kumprontahin ito tungkol umano sa kalaguyo nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagpatay sa biktima. —LBG, GMA News