Patay ang 1-taong gulang na bata matapos masagasaan ng truck sa isang palengke sa Urdaneta City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Base sa imbestigasyon, bumaba ang bata mula sa nakaparada nilang motorsiklo para puntahan ang nanay na nasa kabilang bahagi ng kalsada.

Doon na siya nasagasaan ng truck.

Depensa naman ng driver ng truck, hindi niya nakita ang bata.

Dinala sa ospital ang biktima pero binawian ng buhay.

Hindi pa nakakapag-uusap ang driver at pamilya ng biktima. —KBK, GMA News