Hindi na muna ipinapagamit ang mga aircondition unit sa provincial capitol ng Cebu bilang pag-iingat sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa ulat ng GMA News Tv "Balitanghali" nitong Martes, ipinatupad ito matapos na malaman umano ng mga taga-kapitolyo mula sa World Health Organization na 
hindi raw nabubuhay ang virus nang lagpas sa 10 degrees celsius na temperatura.

Noong 1938 pa ginawa ang kapitolyo kaya nakadisenyo raw talaga ito na walang aircon.  Malalaki rin ang mga bintana nito at mataas na kisame kaya maganda ang ventilation.

Ngunit kung sadyang kakailangan ng ibang tanggapan na gumamit ng aircon, 
pinapayagan naman basta hindi lalagpas sa apat na oras. --FRJ, GMA News