Isang araw bago ang kaniyang kaarawan nitong Linggo, pumanaw ang isang 16-anyos na dalagita dahil umano sa rabies ng isang tuta na kumagat sa kaniya noong Disyembre sa M'lang, Cotabato.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, sinabi ng municipal health officer ng M'lang, na nagja-jogging noon ang biktimang si Pinky Tuble, nang sumunod sa kaniya ang isang tuta at kinagat ang biktima.

Pero sa halip na pumunta sa doktor, nagpagamot umano ang biktima sa
tradisyunal na manggagamot.

Wala naman daw naramdaman na kakaiba ang pagkatapos pero nitong Linggo ay nagpakita ito ng sintomas ng rabies at kaagad na pumanaw.

Inihatid siya sa kaniyang huling hantungan nitong Lunes, ang araw ng kaniyang kaarawan.

Nagsagawa naman umano ang Cotabato Provincial Health Office ng pagpapabakuna kontra-rabies sa mga kamag-anak ng biktima.-- FRJ, GMA News