QUEZON - Umakyat na sa 15 ang mga nag-positibo sa COVID-19 sa Quezon province nitong Martes.

Ayon sa ulat ng Integrated Provincial Health Office, anim dito ay nagmula sa Lucena City, dalawa sa Tayabas City, dalawa sa Sariaya, dalawa sa Unisan, isa sa Sampaloc, isa sa Infanta, at isa sa Candelaria.

Tatlo sa 15 na naitalang kaso ang kumpirmadong nasawi dahil sa COVID-19. 

Sa ngayon ay may tatlong persons under investigation rin ang nasawi na wala pang resulta ang kanilang lab test.

Patuloy ang panawagan ng Provincial Government of Quezon sa mga residente na manatili sa bahay at makipag-ugnayan sa hotline para sa mga katanungan o report: 09515783399. —Peewee Bacuño/KG, GMA News