Kinagigiliwan ang isang pitbull dahil sa pagtulong nito sa kaniyang furmom na ipasok ang mga pinamili sa kanilang bahay sa Caloocan.
Sa video ng furmom na si Riche Cruz, mapanonood ang good boy na si Isko na ipinapasok sa kanilang bahay ang kanilang mga binili, kabilang ang milk tea, groceries, pati mga gamit gaya ng helmet.
Maingat naman si Isko sa pag-akyat sa hagdan habang dala-dala ang mga gamit.
Ayon kay Riche, simpleng tricks lang ang itinuro niya kay Isko, na anim na taong gulang na. Kaya laking gulat niya nang magkusa na itong tumulong sa pagdala ng mga gamit papasok ng bahay. — Jamil Santos/VBL GMA News
