Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang kuya na nakainom umano sa Baao, Camarines Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kahit may liquor ban umuwi raw ng lasing ang barangay tanod na si Henry Piya at pinagtripan ang nakababatang kapatid na si Jomar.

Umiwas daw ang biktima pero sinundan siya ng suspek at pinagsasaksak.

Paliwanang ni Henry, self-defense ang nangyari. Una raw nagtangkang manakit ang kaniyang kapatid kaya niya ito nasaksak.

Gayunpaman, lumabag pa rin ang suspek sa liquor ban bunsod ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. --KBK, GMA News