Patay ang isang lalaking nakatulog sa inuman matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang kaibigan sa Tagbilaran, Bohol.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Biyernes, sinabi ng isang saksi na nakatulog ang biktimang si Noel Alverio sa gitna ng kanilang inuman sa tabing dagat sa Barangay Cogon.

Hindi nagtagal, dumating ang isa pa nilang kaibigan na si Cliford Monton at pinagsasaksak sa leeg si Alverio na sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Tumakas si Monton matapos gawin ang krimen pero kinalaunan ay sumuko rin siya barangay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen at kung bakit pinatay ng salarin ang kaniyang kaibigan. --FRJ, GMA News