KALIBO, Aklan—Kasalukuyang ipinapatupad ang  liquor ban sa buong bayan ng Kalibo sa pagdiriwang ng taunang Kalibo Sto. Nino Ati atihan Festival.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, sa ilalim ng liquor ban puwede namang bumili ang mga residente ng alcoholic drinks pero dapat etong inumin sa loob ng kanilang pamamahay.

Ayon kay Lachica, ang ipinagbabawala ay ang mga umiinom sa pampublikong lugar.

Pormal nang nagsimula ang virtual edition ng ati atihan festival noong nakalipas na Biyernes. Naging virtual eto dahil sa COVID-19 pandemic.

Ilan lamang sa mga nakatakdang virtual na activities ay throwback ng mga litrato, Miss Kalibo Ati-atihan, Ati-atihan costume making contest, Pilgrims Mass, at iba pa.

 

Photo courtesy: Kalibo LGU
Photo courtesy: Kalibo LGU

—LBG, GMA News