Isang dambuhalang butanding at dalawang anak nito ang nakitang patay sa dalampasigan ng Siaton, Negros Oriental, ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Sabado.

Ayon kay fisheries technician Randy Quiroquiro, may bigat na 400 kilo at may habang limang metro ang inang butanding.

Kinailangan pang putul-putolin ang butanding para mailibing ito katabi ang dalawang anak.

Ayon sa pagsusuri ng mga eksperto, may sakit sa kidney ang butanding kaya't napaanak ito nang wala sa oras, na siyang dahilan ng pagkamatay nito. —KG, GMA News