Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang patay nang barilin sila ng isang propesor na kanilang tinambangan sa  Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Miyerkules, sinabing nagtamo ng tama ng bala sa tagiliran pero nakaligtas ang biktima si Daud Kadon, propesor sa Mindanao State University-Maguindanao.

Pauwi na sakay ng kaniyang sasakyan si Kadon nang pagbabarilin siya ng riding in tandem habang nasa highway.

Nagawa naman ng propesor na makaganti ng putok at natamaan niya ang dalawang nang-ambush sa kaniya na sina Montano Silungan Usman at Abdul Ambel Mama.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pananambang. --FRJ, GMA News

Tags: