Dead on arrival sa ospital ang chairman ng Barangay Angad sa bayan ng Bangued sa lalawigan ng Abra matapos pagbabarilin.

Sa ulat Unang Balita nitong Huwebes, kinialala ang biktima na si Brangay Captain Ronie Bringas, na binaril sa ulo habang na nanonood ng basketball game sa gymnasium.

Ayon sa mga nakasaksi, naka-sombrero at nakasuot ng tube mask ang gunman.

Sumemplang ang motorsiklo ng patakas na gunman habang hinahabol siya ng mga residente.

Naiwan ng salarin ang kanyang tsinelas at motorsiklo.

Tinutugis na ng mga pulis ang salarin at inaalam kung may kinalaman sa eleksyon ang pamamaril. —LBG, GMA News