Bangkay na nang matagpuan sa ilalim ng tulay at hinihinalang ginahasa pa ang isang 16-anyos na dalagita sa Trece Martires, Cavite.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing natagpuan ang bangkay ng dalagita sa Sunshine Ville sa Barangay Cabuco.

Nagtamo ang biktimang Grade 9 student ng mga sugat sa leeg, at ulo, at walang suot na pang-ibaba.

Isang kutsilyo rin ang natagpuan sa lugar.

Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima.

May tatlong persons of interest na ang pulisya, at kumakalap na sila ng kopya ng CCTV video sa mga lugar na posibleng dinaanan ng biktima at mga suspek.--Jamil Santos/FRJ, GMA News