Natagpuang patay ang isang Grade 7 student na apat na araw nang nawawala sa Basey, Samar, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakita sa damuhan ang bangkay ng 12-anyos na biktimang si Gelieca Lacaba.

Huli raw nakita ang biktima noong October 5 habang papasok sa eskuwelahan.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen. —KBK, GMA News