Kalunos-lunos ang sinapit ng isang fast craft crew na nahulog sa dagat, matapos matamaan ng propeller at magkalasog-lasog ang kaniyang katawan sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapapanood na tulong-tulong sa paghahanap ang mga sakay ng isang life boat sa dagat malapit sa isang daungan.

Ilang saglit lang, iniangat ng mga tumutulong ang isang sako, na naglalaman pala ng parte ng katawan ng tao.

Base sa mga awtoridad, katawan ito ng biktimang nahulog.

Patuloy ang imbestigasyon.

Hinihingian ng GMA Integrated News ng pahayag ang may-ari ng fast craft, ngunit wala pa silang tugon. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News