Nasawi ang isang sanggol nang masunog ang tirahan sa Tagbilaran, Bohol. 

Sa ulat ng 24 Oras Weekend ngayong Linggo, ayon sa Bureau of Fire Protection pinatulog ng lola ang biktimang apat na buwang gulang para pumunta sa kabilang bahay at mananghalian.

Doon na raw sumiklab ang sunog.

Short circuit o problema sa kuryente ang tinitingnang sanhi. — BM, GMA Integrated News