Isang duguang bangkay ng babae ang nakita sa bakanteng lote sa Bautista, Pangasinan.

Sa ilang ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, sinabing nakababa ang shorts ng biktima nang makita sa bakanteng lote ng Barangay Cabuaan kaninang umaga.

Nakasuot ng damit ang biktima at may puting tsinelas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng babae at kung ginahasa siya.-- FRJ, GMA Integrated News