Nasawi ang isang mag-asawa at tatlo nilang anak na pawang menor de edad nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Initao, Misamis Oriental.

Sa ulat ni James Paolo Yap sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mag-anak sa Lanao del Norte nang mangyari ang trahediya.

Sinubukan umano ng motorsiklo na mag-overtake sa isa pang sasakyan hanggang sa makasalubong at makasalpukan ang truck na papunta naman sa Cagayan de Oro City.

"Gikan sila sa birthday party pauli na ang motor nga nagsakay papa, mama ug tulo ka mga anak. 01:44  0:55 – Ang truck going to Cagayan de Oro City nga direction,” ayon kay Initao Municipal Police Station Chief Investigator, Corporal Ricky Abecia Alagon Jr.

Isang kotse rin ang nadamay sa sakuna matapos na bumangga sa likod ng truck.

Ligtas naman ang mga sakay ng truck at kotse.

Hindi na umano magsasampa ng reklamo ang mga kaanak ng biktima pero humihingi sila ng tulong para sa gastusin sa pagpapalibing.--FRJ, GMA Integrated News