Nilamon ng apoy ang parte ng main office ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa Matalam, Cotabato.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nakaranas ng brownout sa ilang lugar matapos patayin ang main line ng kuryente.

Naibalik din ang power supply kalaunan.

Inabot ng dalawang oras ang sunog, at mahigit P15 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News