Patay ang isang lalaki at isang babae na magkaangkas sa motorsiklo matapos silang barilin ng salaring nakasakay sa ibang motorsiklo sa General Trias, Cavite.
Sa ulat ng GTV News "Balitanghali" nitong Huwebes, lumabas sa imbestigasyon na binabagtas ng mga biktima ang Barangay San Francisco nang harangin sila ng salarin at pagbabarilin.
Kaagad na nasawi ang mga biktima.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng nakatakas na salarin.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
