Dalawang poll watcher ang nagsuntukan habang isinasagawa ang early voting sa polling precinct sa Kadingilan, Marawi City.

Sa ulat ni Raffy Tima sa Balitanghali nitong Lunes, sinabing naganap ang insidente pasado 5:30 a.m. sa Barangay Moncado, makikita sa video na agad umawat ang mga pulis at sundalong nagbabantay sa naturang presinto.

Ayon sa isang poll watcher, hindi niya nagustuhan ang pagpasok ng ibang watcher na hindi mula sa kanilang barangay.

Ngunit ayon sa kaniyang nakaaway, gumanti lamang siya.

Naresolba rin kalaunan ng pulisya ang naturang away. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.