Isang dalagita na napaulat na nawawala ang naaagnas nang bangkay nang matagpuan sa bahagi ng San Narciso, Quezon.

Sa ulat ng 24 Oras, kinilala ng mga kaanak ang biktima, na napaulat na nawawala noong Abril 28.

Ilang kabataang nangunguha ng mangga ang nakakita sa mga labi ng biktima pasado 5 p.m. ng Linggo, batay sa pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at sinusuri ang mga CCTV video sa lugar.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News