Magkakaroon ng bagong gobernador ang Cebu matapos talunin ng bagito sa pultika na si Pam Baricuatro ang kasalukuyang gobernador ng lalawigan na si Gwen Garcia, sa katatapos lang na Eleksyon 2025.Ayon sa Provincial Board of Canvassers, nakuha si Baricuatro ng 1,107,924 boto, laban sa 750,102 boto ni Garcia, na tumatakbo para sana sa kaniyang ikatlo at huling termino bilang goberndor ng Cebu.Sa kaniyang website, makikita ang larawan na itinaas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Baricuatro, na tumatakbong gobernador sa ilalim ng partidong PDP-Laban ng dating lider.Ang lokal na partido naman na 1Cebu ang partido ni Garcia, na sinuportahan ang mga kandidatong senador ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng koalisyong Alyansa.Pero batay sa partial at unofficial court sa transparency server na makikita sa GMA Eleksyon 2025 microsite, walo sa nakapasok sa top 12 ng senatorial race sa Cebu ay mga kandidato ni Duterte.Kinabibilangan ito nina Bong Go, Bato dela Rosa, Jimmy Bondoc, Rodante Marcoleta, Camille Villar, Phillip Salvador, Jayvee Hinlo, Erwin Tulfo, Vic Rodriguez, at Pia Cayetano.READ:One Cebu backs Alyansa senatorial betsSa livestream ng GMA Regional TV Balitang Bistak, madidinig ang malakas na sigawan nang itaas ang kamay ni Baricuatro nang isagawa ang kaniyang proklamasyon bilang panalong gobarnador ng Cebu.Sa panayam ng GMA Integrated News, sinabi ni Baricuatro na “overwhelmed” siya sa kaniyang pangunguna sa bilangan sa harap ng simple at direkta umanong pangangampanya sa mga tao.Idinagdag niya na ang kaniyang tagumpay ay tagumpay ng mga tao at ng lalawigan, at maging ni Duterte."They have voted for the governor that he endorsed, so I share this victory with him,” aniya.Sa naging panalo niya kay Garcia, sinabi ni Baricuatro na malinaw na nais umano ng mga tao ng pagbabago.Kabilang naman sa planong gawin ni Baricuatro sa kaniyang pag-upo bilang lider ng Cebu ay mapaghusay ang healthcare system sa lalawigan.“Problema namin ‘yung access to healthcare dito, ‘yung mga hospital,” saad niya.Idinagdag ni Baricuatro na isang abogado, handa siyang makipagtulungan sa iba pang nanalong kandidato na hindi niya mga kapartido."The vice governor is not with me and the whole council is not with me. We’re not the same party. We need to work together, stay focused on serving the people of the province of Cebu. I’m willing to work with them and I hope that they would also work with me,” pahayag niya.Mensahe niya kay Garcia, “I’m willing to work with her and I don’t need to change programs or her projects that works. I’m open to any suggestion.” -- mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ, GMA Integrated NewsFor more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.