Nasawi ang 8-anyos at 6-anyos na magkapatid matapos ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay sa Bacolod City.
Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din as Unang Balita nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na sumiklab ang apoy sa Barangay Uno pasado 1 a.m. ng Martes.
Naiwan sa bahay ang magkapatid matapos lumabas ang kanilang nanay para bumili ng pagkain.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng apoy.
Noong Lunes naman, patay din ang dalawang bata matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Santa Mesa, Maynila.
Magpinsan ang dalawang biktima na 4-anyos at 5-anyos.
Nasa trabaho umano ang mga magulang ng mga bata nang maganap ang sunog. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
