Dinakip ang magkapatid na kambal dahil sa estafa umano kung saan milyon-milyong halaga ng pera ang naibayad ng mga biktima sa Pampanga.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing inaresto sa magkahiwalay na operasyon ang kambal.
Nagreklamo ang mga biktima na pinaniwala sila na may ibinebentang ari-arian sa Clark ang mga suspek, ngunit natuklasang hindi pala ito totoo.
Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makunan ng pahayag ang magkapatid.—Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
