Patay ang isang babae matapos gilitan ng sariling asawa sa loob ng kanilang tahanan, ayon sa ulat ng pulisya.
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, sa salaysay ng anak ng mag-asawa, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang kaniyang mga magulang sa kanilang bahay.
Sa gitna ng alitan, kumuha umano ng bolo ang ama at nagkaroon ng agawan sa nasabing patalim.
Nabawi ng lalaki ang bolo at agad ginilitan ang kaniyang misis. Matapos ang pananakit, sinaktan din ng suspek ang sarili.
Agad isinugod sa ospital ang mag-asawa, ngunit idineklarang dead on arrival ang babae. Samantala, kasalukuyang nagpapagaling ang lalaki sa parehong ospital.
Base naman sa imbestigasyon ng Norala Municipal Police Station, posibleng selos ang nagtulak sa suspek na gawin ang krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —Sherylin Untalan/KG, GMA Integrated News
