Nasawi ang isang lalaki at sugatan ang kaniyang kasamahan matapos ang pananaga sa kanila ng kanilang kainuman sa Barangay San Jose sa Malaybalay, Bukidnon.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang biktima sa kanilang inuman, na nauwi sa pananaga.
Matapos nito, tumakas ang suspek, ngunit sumuko kalaunan sa isang barangay tanod.
Sinabi ng pulisya na umamin sa krimen ang suspek na gumamit siya umano ng itak.
Patuloy na inaalam ang motibo ng suspek, na hindi nagbigay ng kaniyang panig.
Sinusubukan ding kunan ng pahayag ang sugatang biktima, na nagpapagaling sa ospital. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
