Pito katao ang sugatan na sakay ng isang SUV matapos nitong mag-counterflow at makasalpukan ang isang truck sa Cauayan, Isabela.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na napunta sa linya ng truck ang SUV matapos nitong mag-counterflow sa Barangay Sillawit.

Tinangkang iwasan ng truck driver ang kasalubong na SUV, pero sumalpok pa rin ang kaliwang bahagi ng SUV.

Ligtas ang driver ng truck na pinalaya na dahil tapos na ang 12 oras na reglementary period. Hindi siya nagbigay ng kaniyang panig.

Wala pa ring pahayag ang kampo ng mga biktima kung magsasampa sila ng reklamo laban sa driver ng truck. — Jamil Santos/RSJ GMA Integrated News