Nasawi ang isang ina matapos bumangga sa center island ang sinasakyan niyang motorsiklo na minamaneho ng kaniyang anak sa Dasmariñas, Cavite.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, makikita sa kuha ng CCTV camera sa Aguinaldo highway na papunta sa inner lane ang motorsiklo nang sumemplang ito at tumama sa center island.
Kaagad umanong nasawi ang nanay na angkas, habang nagpapagaling sa ospital ang anak niyang rider.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang rider sa kaniyang motorsiklo kaya bumangga ito sa center island. – FRJ GMA Integrated News
