Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng mga awtoridad na dadalaw sana ang suspek sa kinakasama niya na nakabilanggo roon.
Nahulihan ang babae ng isang pakete ng hinihinalang shabu na nakabalot sa bond paper.
May timbang itong tatlong gramo na mahigit sa P20,000 ang halaga.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang babae, na hindi nagbigay ng pahayag. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
