Sa kulungan ang bagsak ng magkasintahan matapos masabat sa kanila ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa Dipolog, Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing nasabat sa mga suspek ang ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation.

Sinabi ng pulisya na hindi lang sa Dipolog nagbebenta ang mga suspek kundi sa buong Zamboanga Peninsula.

Kabilang sa narekober sa mga suspek ang inarkilang sasakyan na ginagamit umano sa pagbuhat ng ilegal na droga.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. —Jamil Santos/AOL GMA Integrated News