Nilamon ng nanganganib na apoy at itim na usok ang isang gasolinahan sa Panabo City, Davao del Norte kaninang tanghali.

Ayon sa uploader ng video na ipinakita sa ulat ng 24 Oras Weekend, mabilis ang paglaki ng apoy, na inaalam pa ang pinagmulan.

Isang tauhan ng gasolinahan ang nagtamo ng minor injuries, ayon sa pulisya. — BM GMA Integrated News