Dalawang tao ang nasawi, at tatlong pa ang sugatan sa nangyaring pananambang sa kotse na kanilang sinasakyan sa Barangay Salvacion sa Albuera in Leyte.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, sinabing papunta ang mga biktima sa Poblacion nang pagbabarilin sila ng mga nakatakas na salarin noong umaga ng June 15, 2026.
Hindi pa tukoy ang kalibre ng baril na ginamit ng mga salarin na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Dinala sa ospital ang mga sugatang biktima na patuloy na nagpapagaling. – FRJ GMA News
